Debuho sa EDSA idinepensa ng MMDA

DINEPENSAHAN ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang mga negatibong reaksiyon hinggil sa ginawa nilang pagpipinta ng mga larawan sa kahabaan ng EDSA na bahagi ng inilunsad na programang Metro Manila Greenprint 2030.

Ayon kay Tolentino, masusing pinag-aralan ng mga batikang artist ang padedebuho ng mga larawan na sumasalamin sa kasaysayan ng bawat lugar na kanila ring gagawin sa iba pang bahagi sa kahabaan ng EDSA.

Tulad na lamang aniya ng larawang iginuhit ng bantog na debuhista sa Finland na anim na buwang naninirahan sa lugar ng Ayala upang pag-aralan ang kasaysayan na pagbabatayan ng iguguhit nilang larawan sa naturang lugar.

Bukod aniya sa dalubhasang artist sa Finland, kasama rin sa mga guguhit ng iba pang larawan sa EDSA ang mga bantog na artist mula Sweden, Japan at Pilipinas na mag-aaral ng kasaysayan sa bawat lugar na kanilang iguguhit sa bahagi ng nasabing lansangan.

Nilinaw din ni Tolentino na libre at wala kahit isang kusing na magagastos ang pamahalaan at maging ang kanilang ahensiya sa naturang programa dahil bukod sa hindi sisingil ng kanilang talento sa pagguhit ang mga batikang debuhista, wala rin silang gagastusin sa pintura dahil sasagtuin ito ng isang malaking kompanya ng pintura.

Isa aniyang anti-pollution paint ang gagamitin na pintura na malaki ang maitutulong upang mapangalagaan ang pagkakaroon ng malinis na hangin, sa kabila ng ibinubugang maiitim na usok ng libo-libong  sasakyan sa nasabing lansangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply