Delubyo talaga: Marianita bagsak na ang rating ng teleserye, mga TVC tigbak nang lahat!

WE ARE so vindicated my BFFT Pete A. Why? Kasi nga kahit na ano pang pagtatakip ang gawin ng kanyang mother network na GMA7 dito kay Marianita Rivera para pabanguhin ang career nito, masasayang lang ang effort nila dahil deluvic na ang career ni Marianita lalo pa’t bagsak sa rating ang teleserye nila ng nobyong si Dingdong Dantes na My Gilagid ay My Beloved pala (Hahahahahahaha! – Ed).

Say pa ng aming informant, very sad nga raw ang malditang aktres dahil na-disillusion ito sa bagong project na ang feeling niya, dahil may damage control na ang GMA7 para sa kanya kung saan pinakitang dumalaw kuno sa fan na may cancer ang malditang aktres, magiging maganda na ang feedback sa bago niyang soap opera.

Kaso mo, nagkamali ang Kapuso dahil mas lalo pang kinamumuhian ngayon itong si Marianita na tigbakers nang talaga ang career.

Look, kung sikat pa ‘yan, dapat nag-renew na lahat ang kanyang mga rating endorsements. Kaso mo, dahil sa nega na ang dating sa sama ng pag-uugali tulad ng idolo niyang si Manang Cristy ‘Orocan’ Fermin, isinusuka na rin siya ng advertising world. Kahit nga ‘yung kaisa-isa nitong naiwan na motorsiklong ini-endorso, nawala na rin sa ere! Hay naku! Ang dapat sa babaitang ito, tutal tumatanda na rin ay mamahinga na sa kanyang showbiz career.

Kawawang Coco Martin. Bakit pumayag siyang pumartner sa babaing ito gayung super jinx ito sa takilya?

Hello! Super Inday the kulelat MMFF movie of Marianita two years ago. Flopsina Queen gyud!

***

Good news: Valiente balik sa dating timeslot

TIYAK na magbubunyi ang mga fans nina Oyo Sotto, JC de Vera, Nadine Samonte at Nina Jose dahil simula sa darating na Lunes ay balik na sa former timeslot ang drama series ng kanilang mga idolo sa TV5 na Valiente.

Actually, ito naman talaga ang original time ng airing ng nasabing soap na right after Wiltime Bigtime ni Willie Revillame sila umiere.

Kaya lang, nag-give way sila nang pumasok ang Nandito Ako ni David Archuleta na nagwakas na last Friday. At dahil sa mas maagang oras uli sila mapanonood, tiyak na balik rin sa rating magandang rating ang seryeng ito kung saan nakaw eksena talaga ang character ni Jacklyn Jose bilang si Donya Trining Braganza na kasumpa-sumpa talaga ang kasamaan at labis na mapang-api sa kanilang mga manggagawa sa Hacienda Braganza particularly sa mag-amang Damian (Michael de Mesa) at Gardo Valiente (JC de Vera).

At dahil sa husay ng acting at performance ng aktres na tanging siya lang yata ang makakagawa na galit na galit na sa eksena, ngiting aso pa rin ito. Kasumpa-sumpa talaga ang kasamaan ng character ng donyang ito na slight ay minamana na rin ng madlitang anak na si Leona (Nina Jose).

Bida-kontrabida naman ang role ni Theo (Oyo) rito at mabait at simpleng babae naman si Maila (Nadine Samonte) na ampon ni Donya Trining at ng namayang asawang si Don Armando (Mark Gil).

Hindi lang ang buong cast at production people ng Archangel Productions ang labis na natuwa sa good news sa kanila ng TV5 na balik na sila sa 9:00 pm timeslot. Masayang-masaya rin siyempre ang director nitong si Joel Lamangan. So gabi-gabi after Wiltime Bigtime please watch Valiente at Kapatid network.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply