DENR: 70% ng malinis na tubig naaaksaya sa PHL taun-taon

INIULAT ng Department of Environment and Natural Resources na 70 porsiyento o katumbas ng 160 billion cubic meters ng malinis na tubig ang nasasayang sa buong bansa taon-taon.

Ang ulat ay kasunod ng selebrasyon ng World Water Day kahapon (Marso 22).

Sinabi ni Vicente Tuddao, executive director ng DENR-River Basin Control Office, na ang mga nasasayang na tubig ay nagmumula sa mga sirang tubo (water pipes) at sa mga hindi naaabot ng patubig ng gobyerno.

Ayon pa sa DENR official, imbes na magamit ang tubig sa mga ilog at lawa ay hindi mapakinabangan ang mga ito dahil sa polusyon.

Hinimok din ni Tuddao ang Manila Water at Maynilad na pag-ibayuhin pa ang kampanya sa pagtitipid at maayos na sistema ng patubig sa bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply