DENR-R3 binastos ng Atlas Farm; creek inuuod

KASAMANG nag-inspeksyon sa Atlas Farm ang Misyon Aksyon ng mga taga-DENR-ENB-R3 na mga tauhan ni Director Lormilyn E. Claudio, pangulo ng Green Hope na si Rosemari Ido, lSSMESI  Rev. Bro. Martin Francisco at Ariel Mendoza, Chief for Operation ng Bulacan Civil Security Chief and Inteligence Unit sa tanggapan ni Governor Willy Alvarado.

Sa reklamong lumabas sa Misyon Aksyon, makikita mo ang inirereklamo ng mga residente ng Brgy. Sto. Cristo at Brgy. Kaybanban sa Masipit Creek na dumada-loy ang dumi ng baboy at mga uod na nanggagaling sa Atlas farm ( Dating Amihan  farm) at dito nakita ang maiitim na natuyong dumi at makapal na gumagapang na uod na halos dalawang kilometro ang  haba.

Dito pa lang ay positibo nang lumabag sa Clean Air Act R.A. 8749; Clean Water Act 9275; at Ecological Solid Waste Management R.A.9003.

Makaraang ma-survey ang nasabing creek, tumuloy sa tanggapan  ng  farm ang grupo ng nag- inspeksyon at tinanong ang isang empleyado na kung maari ay  makita ang kanilang pasilidad. Tumanggi itong magpapasok kung walang permiso sa Atlas Farm ang mga kawani ng DENR, at hindi umano sila empleyado at bu-yer lamang sila. Subalit sila ang nagbubukas ng gate at nag-iistima sa mga taong pumupunta sa nasabing farm.

Muling tinanong ng mga kawani ng DENR na sina Raquel Contiga at Joy Garcia kung sino ang may ari ng farm. Si Nemesio  Co ang sinabing may-ari ng farm, pero patay na ang nasabing may ari ng farm na ang nangungupahan ay Atlas farm na siyang namamahala ngayon.

Hindi na po nakapagtataka kung ang CENTRO Chief na si  Engr. Thelma  Bautista  SJDM Bulacan ang sumagot ng, nang  ipalaam ito ng isang Intelligence, “Marami naman ang may ganitong farm na gumagawa ng katulad ng Atlas, bakit pa nagtataka kayo?”

Sabagay bulag, pipi at bingi nga pala ang nasabing hepe. Sa anong bagay kaya nakikinabang si Engr.?

Kay Governor Willy Alvarado,  sir, kayo na  po ang umaksyon dahil ang mga residente ng dalawang Brgy. ng Sto. Cristo at Kaybanban ay hindi na kayang pagtiisan ang penitensiya nila. Maging ang mga magsasaka na nagtatanim ng mga gulay dahil hindi na nabibili kapag nalamang doon galing sa nasabing lugar, ayon sa dating kapitan ng barangay.

Kay Mayor Rey San Pedro, wala ka na ring aasahan dahil ang kanyang hepe sa CENRO ay walang ginagawa. Kasi ‘di naman pala, siya’y taga San Jose kaya walang aksyon sa mga reklamo, maging ang mga basurang makikita mo sa kalsada.

Dito pa lang ay hindi na kayang pangalagaan ang kalinisan ng nakaupong Mayor na si Mayor Rey San Pedro. Kung ganyan ang estilo niya, baka sa susunod na halalan mapupunta na sa basurahan ang boto niya. Paging R-3 DENR ENV. Director Lormilyn E. Claudio at BENRO  Chief Atty. Rustico de Belen at  Gov. Willy  Alvarado Madam/ Sir pakiimbetigahan naman po ang ATLAS  FARM sa Barangay Sto. Cristo San Jose delmonte Bulacan dahil po ang Mayor doon ay inutil ayon sa mga residente.

Walang  aksyon  na ginagawa kahit  na umaalingasaw na sa baho ang kanyang nasasakupan, may malaki ba daw siyang nakukuhang pakunsuwelo sa kumpanyang atlas? Dahil libu libong baboy ang  inaalagaan  sa  nasabing  farm  pakisilip na rin po baka hindi sila nagdedeklara kung ilan ang kanilang alaga para makalusot sa  bayarin ng buwis.

Katunayan nga may paglabag ang nasabing farm, ngunit walang aksyon ang lokal na pamahalaan. Kaya mga sir aksyon na!

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwagan.

Happy  B-day nga pala   kay   Cristine  Petil  sa nalalapit na   kaarawan  mabuhay ka  saan ang blow out.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.

Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223

EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com,
arnelpetil@gmail.comathttp://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address. Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na inyong dinudulog at kung alyas o codename lamang ang inyong gagamitin ay hindi mailalathala dahilan para po ito sa bawat kapakanan ng bawat panig ng mga nagrereklamo at nirereklamo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply