DepEd: May pasok bukas

NAG-ABISO ngayon ang Department of Education (DepEd) na may pasok sa eskuwela ang lahat ng antas ng paaralan kahit na may ilulunsad na transport caravan bukas (Marso 15).

Sinabi ngayon ni Education Secretary Armin Luistro na batay sa kanilang pakikipag-ugnayan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ibang concerned agencies, na hindi naman maka-aapekto sa transportasyon ang nasabing tigil-pasada.

Bukod pa rito hindi rin sasama ang grupong transportasyong Pasang Masda, kaya tiwala silang hindi maaapektuhan ang mga estudyanteng papasok sa kani-kanilang paaralan.

Pinasubalian naman ito ni Luistro na sakaling lumala ang sitwasyon agad silang maglalabas ng abiso dakong 10:00 ng umaga.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply