Depektibong implementasyon ng CCT dagok kay PNoy

POSIBLENG magbunga ng negatibo sa popularidad ni Pangulong Aquino ang iba’t ibang butas sa implementasyon ng Conditional Cash Transfer (CCT).

Babala pa ni TUCP Party-List Rep. Raymond Democrito Mendoza na kapag napabayaan ang lumalalang butas sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (PPPP) ang pangunahing programa ng administrasyong Aquino.

Kabilang sa nakikita ni Mendoza, chairman ng House Committee on Poverty Alleviation, na mali sa implementasyon ng PPP ay ang “non-eligible beneficiaries, discrepancies and double entries of grantees, overpayment of educational benefits, and unliquidated fund transfers.”

Tahasang sinabi ni Mendoza na hindi mapapayagan ng kanyang komite na malimas ang kaban ng yaman ng bayan dahil lamang sa tinatawag na “bureaucratic inefficiency” katiwalian, at kawalan ng sapat na kakayahan.

Tinukoy pa ni Mendoza ang ilan sa mga nalantad na pagkakamali sa implementasyon ng CCT ay ang posibilidad na ang isang benepisyaryo ay dalawang beses na tumanggap ng P1,400 buwan buwan o naibubulsa lamang aniya ito ng mga tiwaling iilan.

Maging ang kawalan ng liquidation sa pondo ng CCT mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Land Bank ay kinuwestyon din ng kongresista.

“It is not our intention to stop the program. We understand that the government must help the most vulnerable segments of our population. Our purpose in conducting the congressional hearings and investigations is to induce the DSWD, together with stakeholders, to refine and improve the implementation of the PPPP so that the Aquino government’s centrepiece program will really accomplish its goal to empower the poorest of the poor. That is why the DSWD and the Land Bank must explain.”

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply