Depensa gagamit ng media blitz sa Holy Week

INAASAHAN na ng prosekusyon na posibleng samantalahin ng kampo ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang pagsasagawa ng “media blitz” habang nakabakasyon ang Kongreso.

Simula bukas, Marso 23, wala nang sesyon ang dalawang kapulungan ng Kongreso para sa kanilang lenten break at babalik na lamang sa Mayo.

Ayon kay House Majority Leader Neptali Gonzales II, hindi malayong maging puspusan ang trabaho ng depensa sa bakasyon para ligawan ang publiko matapos lumabas sa Pulse Asia survey na 47 porciento diumano ng mga Pinoy ang naniniwalang guilty si Corona.

Aniya, kailangan daw ng depensa na magdoble kayod para makuha ang simpatya ng publiko.

Ayon kay Gonzales, walang balak ang prosekusyon na tapatan ang media blitz ng depensa dahil malakas daw ang kanilang mga naiprisintang ebidensya para tuluyan nang mapatalsik si Corona.

Sa panig naman ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr., naniniwala siyang makikipagsabayan ang prosekusyon sa isyu ng impeachment bagamat may pakiusap siyang sana ay huwag nang haluan ng impeachment ang pagtitika.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply