Depensa naman!

PAGKATAPOS iharap ng prosecution team ang kanilang mga ‘witness’ sa ongoing impeachment trial ni Chief Justice Renato  Corona, ngayo’y ang depensa naman ang naghaharap ng kanilang mga ‘witness.’

Noong Lunes ng hapon, si  Rep. Toby Tiangco ang isinalang sa witness stand at ikinuwento ang ‘side’ sa ‘di pagpirma sa articles of impeachment na sinang-ayunan ng mayorya ng Kamara.

Ang dahilan  – ‘di siya nakumbinsi sa mga ‘ebidensya’ na iniharap ng bumubuo ng prosecution team na pinangungunahan ni Iloilo Congressman Neil Tupas, ayon sa mambabatas mula sa Navotas.

Marami ang humanga sa ipinakita ni Tiangco sa kanyang pagtestigo sa harap ng mga senator-judge at audience.

Walang kiyeme at matapang na sinagot ang mga pasikot-sikot na tanong ng prosecution.

Nang mabalitang siya’y tetestigo, marami ang nagtaas ng kilay.

Kung sino ang mga ito – aba’y tiyak ang mga pumapabor ay yong nais masibak sa puwesto si Chief Justice Renato Corona.

Katulad ng iprinisintang ‘witnesses’ ng prosecution, si Tiangco ay ‘witness’ sa isang paglilitis na ang adhikain ay saliksikin at alamin ang katotohanan kung
bakit isinasagawa ang impeachment.

Katulad din ng mga humarap nang mga witness ng prosecution,  kumbaga, si Tiangco ay mahalagang ‘kasangkapan’ ng defense team ni Corona para sa gagawing desisyon ng mga senator-judge.

Sa ngayon, ang lahat ay nag-aantay sa desisyon ng senator-judges.

Ma-iimpeach ba si CJ Corona o hindi?

Ang kanilang desisyon ay nakasalalay sa mga witness ng prosecution at defense teams.

PAGING COL. ROSAURO ACEO

Sobra ang pamamayagpag ng lotteng diyan sa bayan ng Balayan at Lian, Batangas ng magkapatid na sina Robie at Ronnie.

Kahit mahigpit ang drive ni PD S/Supt. Rosauro Aceo laban sa iligal na sugal, tila ‘di natitinag itong sina Robie at Ronnie.

Dahil ba sa malakas ang mga ito kay Balayan Mayor Manny Fronda?

Kung malakas kayo kay Mayor Fronda, ‘di kina Col. Aceo ng CIDG Batangas chief C/Insp. Jay Agcaoili.

Hulihin n’yo nga, sir, ang operasyon ng magkapatid na yan.

Abangan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply