Maghapong impeachment trial, tinutulan

HINDI pabor ang kampo ng depensa sa panukalang gawing umaga at hapon ang pagdinig sa impeachment trial laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Sa panukala, planong gawing umaga at hapon ang pagdinig upang matapos ang trial bago mag-break ang Senado sa Marso 23.

Ayon kay Atty. Ramon Esguerra, abogado ni Corona, hindi patas para sa kanilang panig na masyadong maiksi ang panahon na ibibigay sa kanila para makapaglatag ng mga ebidensya at makapagharap ng mga testigo.

Ipinaliwanag ni Esguerra na kung matutuloy ito ay lalabas na walong araw lang ang maibibigay sa kanila para mapabulaanan ang mga inilatag na ebidensya at testigo ng prosekusyon.

Bagamat naiintindihan aniya  nila ang kagustuhan ng Senado na matapos agad ang paglilitis ay magiging malaking disadvantage naman ito para sa kanilang panig dahil makakaapekto ito sa mga ginagawa nilang paghahanda at malalabag din ang due process para sa kanilang kliyente. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply