Deployment ban sa Nigeria, Libya at South Sudan inalis na

IPINAHAYAG ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na aalisin na ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Governing Board ang deployment ban sa mga bansang Nigeria, Libya at South Sudan.

Sa tatlong magkahiwalay na resolusyon, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na tatanggalin na ang batas na nagbabawal sa pagpapadala ng mga overseas Filipino worker (OFW) dahil gumaganda na ang peace at security situation sa tatlong nabanggit na bansa.

Magugunitang noon pang Marso 2005 ibinaba ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang deployment ban sa Sudan dahil sa hindi maayos na peace and order situation sa naturang bansa.

Taong 2007 naman ibinaba ang deployment ban sa Nigeria dahil sa paulit-ulit na kidnapping sa doon noong panahong iyon.

Noong Pebrero 2011 ibinaba naman ng pamahalaan ang deployment ban sa Libya dahil sa lumalalang krisis doon.

Sa pag-aalis ng deployment ban, maaari na muling magtrabaho ang mga OFW sa Nigeria, Libya at South Sudan.

Gayunman, dapat sumailalim ang mga ito sa kaukulang guidelines upang matiyak ang kaligtasan doon.

Sa kasalukuyan, may naitala ang POEA na 2,152 OFW sa Libya; 1,691 sa Nigeria at 1,941 sa Sudan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply