Derek Ramsay bitin sa offer ng Kapamilya network

PERSONAL na binigay namin kay Derek Ramsay ang certificate niya bilang Best Actor nominee para sa nalalapit na Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club sa kanyang dressing room after his interview sa The Buzz two Sundays ago.

Na-nominate si Derek mula sa box-office movie niya na No Other Woman.

Gaganapin ang 28th Star Awards for Movies on March 14, Wednesday at 5 pm. At the same time, isa si Derek sa hosts ng most-star studded at kauna-unahang local awards night na mapapanood on TV.

Makakasama ni Derek as hosts sina Anne, KC Concepcion at Aga Muhlach na matagal-tagal na ring di nagho-host. Manggagaling naman si Aga from Rome on that day kung saan magsyu-shoot siya para sa show niya sa TV5. Umalis ng Pinas si Aga patungong Rome nu’ng Miyerkules.

Going back to Derek, naging emosyonal ang aktor nu’ng tanungin siya about his family sa The Buzz para sa movie na Corazon (Ang Unang Aswang) na showing na on March 14. Pero muling gumaan naman ang pakiramdam niya nu’ng mag-sink in na sa kanya ang iniabot naming certificate.

Haping-happy si Derek sa kanyang nominasyon sa SAFM na kung ‘di kami  nagkakamali ay first time niyang mai-expe -rience. Excited din siya sa movie nila ni Erich Gonzales na Corazon. At the same time, tila nasa balag ng ala -nganin si Derek kung ano na ang susunod niyang project sa ABS-CBN.

So far kasi, after ng meeting niya with the executives of ABS-CBN, naghihintay pa rin si Derek kung ano ang ihahain sa kanyang kontrata. Wala pa rin daw kasi silang natatanggap ng daddy niya na konkretong plano from ABS-CBN.

“E, medyo na-ano naman kami kasi. We’re not naman after the money. We really want to know kung ano’ng plano nila for me. Mas alam nila what’s good for me. But if they really want me I’m just thinking, bakit inabot pa na malapit na mag-expire ang contract ko before they talked to me and my Dad,” lahad ni Derek.

Unlike ‘yung ibang actors nga raw sa kanyang pagkakaalam, e, ilang buwan bago pa man matapos ang kontrata nila ay nire-renew agad.
Sa kabila nito, feeling naming gusto pa ring mag-stay ni Derek sa Kapamilya network. Kaya lang baka kung matagalan ang offer, e, baka maunahan na ang ABS-CBN ng ibang network to get Derek’s services.

-ooOoo-

Hindi naman makapaniwala ang aktres na si Iza Calasado that finally one of her long-time dream na makalabas sa longest at award winning dram anthology hosted by Charo santos-Concio na Maalaala Mo Kaya ay natupad na rin sa wakas.

Pagkatapos lamang ng ilang linggo nu’ng sumambulat ang balitang  lumipat na siya sa Kapamilya network, lumabas si Iza sa kanyang first major acting assignment sa ABS-CBN. Ibinigay ng Maalaala Mo
Kaya sa bagong Kapamilya star ang MMK acting royalty treatment that  she truly deserves.

Ginampanan ni Iza ang role bilang best friend ni Rica Peralejo na may sakit na cancer. Boyfriend ni Rica sa kwento si Zanjoe Marudo. Pero dahil maysakit si Rica, iminatch niya ang kanyang best friend at boyfriend at magkakaroon sila ng anak. Pero sa huli na-reveal na mahal pa rin ni Zanjoe si Rica.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply