Derek Ramsay nakapirma na sa Smart, TV5 na ba ang kasunod?

RICHARD Somes, the director of Skylight Films and Star Cinema latest offering “Corazon: Ang Unang Aswang” was right when he said, Derek Ramsay is the ‘Man of  the Hour.’ Obviously, nasa crossroad ngayon ang aktor kung pipirma na ba siya ng kontrata sa TV5 o mananatili siyang Kapamilya star.

Tapos na ang kontrata ni Derek sa ABS-CBN just this 29th of February pero hanggang ngayon ay wala pang kasiguraduhan sa nababalitang paglipat nito sa TV5. Pero one thing is sure, nakapirma na siya sa Smart as endorser na alam natin ay pag-aari ni Mr. Manny V. Pangilinan.

Sa interview kay Derek sa presscon ng Corazon: Ang Unang Aswang na ginanap sa Dolphy Theater ay inamin nito na nagkaroon na sila ng kanyang daddy ng pagmi-meeting sa mga big boss ng Dos.

Sa nasabing meeting ay pinagagawa si Derek ng kanyang wish list pero ayon mismo sa kanya, politely niya itong ni-refuse. “Ayaw kong maging diva, ayaw kong mag-demand. Gusto ko sarili nilang kusa. So, I want it to come from them. Ang trato ko sa ABS-CBN eh pamilya. So, manggaling na lang sa kanila kung ano ang gusto nilang ibigay.”

Nilinaw ng aktor na kung lilipat man siya ng ibang network ay hindi dahil sa pera. Inamin nitong two years ng may nag-o-offer sa kanya pero his loyalty to Kapamilya remains. Malaki ang tinatanaw niyang utang na loob sa network na nagbigay sa kanyang ng malaking break sa showbiz. Kaya naman, ayaw niyang mag-demand na pantayan kung ano mang offer mayroon siya or kahit kalahati man sa presyo.

“I love this network. They’ve done a lot for me and there’s also a lot of disappointing times for me. But I guess ‘yon ang iwe-weigh namin and we’ll see where my future will go, what’s best for me. Tumatanda na rin ako. Lahat ‘yan pag-uusapan namin.”

Isa rin sa nilinaw ng aktor ay tungkol sa offer ng TV5 na ayon sa kanya, walang konkretong alok mula sa nasabing network. “There’s no firm offer from TV5. Not yet. I have a contract with Smart because I’m a Smart endorser but I have no contract with TV5.”

Sa ngayon, nabanggit ng aktor na pagkatapos ng Corazon: Ang Unang Aswang na pinagtambalan nila ni Erich Gonzales at ipapalabas nationwide this March 14, 2012, may kasunod siyang pelikulang gagawin kung saan makakasama niya si Bea Alonzo.

Speaking of Erich, nilinaw rin ni Derek ang isyu tungkol sa kanila ng aktres at naintindihan din naman ito ng kanyang syotang si Angelica Panganiban. Inamin nitong, his mom is a great fan of Erich at talagang pinapanood niya ang Magkaribal dahil sa aktres. Kaya nang naglambing sa kanya ang mommy niya na gustong makita personally ang aktres ay pinagbigyan naman niya ito na pinagpiyestahan ng mga reporter sa pagbibigay ng sanga-sangang bersyon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply