Desisyon ng impeachment court sa bank records ni Corona iginalang ng depensa

IGINAGALANG ng Defense Panel ang naging desisyon ng Senate impeachment court na tanggapin ang mga dokumento at ebidensya ukol sa bank records ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa depensa, nais lamang ng senator-judges na mabigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ng depensa sa publiko ang mga naging alegasyon prosekusyon kay Chief Justice Corona.

Ibinasura ng korte ang inihaing motion to suppress ng depensa laban sa mga bank records ng punong mahistrado, dahil sa alegasyong peke ang dokumentong pinagbasehan ng subpoena ng Senate impeachment court.

Ayon kay Presiding Judge Juan Ponce-Enrile, hindi nakasaad sa probisyon ng RA 1405 o Local Currency Deposit Act at RA 6426 o Foreign Currency Deposit Act na bawal gamitin bilang ebidensya ang mga impormasyon na nakalap sa iligal na pamamaraan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply