Desisyon sa fare hike ilalabas sa susunod na linggo

SA SUSUNOD na linggo pa mailalabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang desisyon nila sa petisyon ng mga transport group na 50-centavos provisional increase sa pasahe sa dyip.

Ito ang pahayag ni LTFRB Board Member Atty. Manuel Iway ngayon.

Aniya, tapos na ang hearing sa nasabing petisyon ngunit magsasagawa pa ng mga pulong ang LTFRB.

Kailangan rin umano nilang konsultahin ang National Economics and Development Authority (NEDA) at Department of Labor and Employment (Dole) para pag-aralan kung ano ang magiging epekto nito sa mga manggagawa at mananakay.

Matatandaang nagbanta ang ilang transport groups na magsasagawa ng malawakang kilos-protesta kung hindi pagbibigyan ang kanilang hiling.

Nilinawnaman ni Pasang Masda National President Robert Martin na hindi dagdag-pasahe ang hirit nila kundi nais lamang nilang ibalik sa dating P8.50 ang pasahe.

Aniya, matagal nang naaprubahan ng LTFRB ang P8.50 na pasahe noong 2008, ngunit ibinalik ito sa P8 nang bumaba ang presyo ng diesel.

Ani Martin, handa silang ibalik ang pasahe sa P8 sakaling bumaba ang presyo ng produktong petrolyo sa darating na mga araw.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply