Desisyon sa hirit na dagdag-pasahe sa dyip bukas na

ILALABAS bukas (Marso 20) ang desisyon ng Land Transportation Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng transport group na 50 sentimos na probationary fare increase sa pampublikong dyip.

Ito ang inaasahan ngayon ng grupong Pasang Masda bunga ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Kaugnay nito, nagbanta si Pasang Masda president Obet Martin, na kung hindi maglalabas ng desisyon ang LTFRB ay magsasagawa sila ng malawakang tigil-pasada.

Iginiit pa nito na hindi niya tinatakot ang pamahalaan pero nailabas na nila ang kanilang mga pangangailangan dahil hindi na nila ito kaya.

Kaugnay nito, hayagang sinabi naman ni Pangulong Benigno Aquino III na mas pinagtutunan nito ng pansin ang Pantawid Pasada Program kumpara sa pag-alis sa 12% VAT sa langis.

Samantala, hindi naman sumali ang Pasang Masda sa kilos-protesta ngayong araw ng Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO) laban sa sunod-sunod na oil price hike.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply