DFA kabado sa satellite launch ng Korea

PINANGANGAMBAHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang plano ng Democratic People’s Republic of Korea (DPRK) na maglunsad ng satellite sa Abril 12-16.

Ayon sa inilabas na pahayag ng DFA, tinatawagan nila ang DPRK na huwag nang ituloy ang kanilang plano at sa halip ay abandonahin na ang ballistic missile program.

Ayon pa sa ahensiya, inilabas ng United Nations Security Council (UNSC) ang Resolution 1874 na humihinging itigil ng DPRK ang paglunsad ng ballistic missile technology at suspendihin ang lahat ng mga gawain na may kaugnayan sa ballistic missile programe na positibo silang susundin naman ng DPRK.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply