‘Di magpapasa ng gastusin sa eleksyon binalaan

BINALAAN ng Commission on Elections (Comelec) at Department of the Interior and Local Government (DILG) na hindi agad makakaupo sa puwesto ang sinumang lokal na opisyal na magwawagi sa 2013 elections kung hindi agad magdeklara sa Comelec ng kanyang gastusin sa pangangampanya.

Ito ay matapos lagdaan ng Comelec at DILG ang Memorandum of Agreement (MOA) kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad ng campaign finance rules.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes, Jr., ang naturang kasunduan ay nilagdaan nila bilang pagtalima na rin sa Section 14 ng Republic Act 7166 o An Act Providing for Synchronized National and Local Elections.

Alinsunod sa ilalim ng naturang batas, ipinagbabawal sa mga halal na opisyal na maupo sa puwesto kung mabibigong magsumite ng kanilang statement of campaign contributions and expenditures.

Kasamang lumagda sa kasunduan si Brillantes, Comelec Commissioner Christian Robert Lim, DILG Secretary Jesse Robredo at DILG OIC For Public Affairs Ariel Tanangonan.

Sa panig naman ni Robredo, sinabi nito na ang mahigpit na pagpapatupad ng nasabing

batas ay mainam para maging transparent ang mga nahahalal na opisyal.

Sa ilalim ng nasabing probisyon, ang bawat kandidato at treasurer ng bawat partido

pulitikal ay kinakailangang maghain sa Comelec ng detalyadong statement ng lahat

ng natanggap niyang kontribusyon at nagastos sa kampanya sa loob ng 30 araw mula nang matapos ang eleksyon.

Ipinaliwanag naman ni Brillantes na sa sandaling hindi makaupo ang halal na opisyal ay paiiralin nila ang rule of succession.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply