‘Di paglipat ni Andal Sr. sa pribadong ospital oks sa Palasyo

SUPORTADO ng Malakanyang ang patuloy na pananatili ni Maguindanao massacre suspect Andal Ampatuan Sr’ sa V. Luna Hospital sa Quezon City.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na “okey” lang sa kanila na manatili sa nabanggit na pagamutan si Andal Sr. lalo pa’t government medical institution ito.

“A government hospital can address his needs. We see no need for him to be transferred to a private hospital. We can provide security in those government medical institutions. Certainly, we do not wish ill of Andal Ampatuan [Sr]. We want to make sure that he’ll be able to face the charges in court,” ayon kay Lacierda.

Gayunman, nilinaw ni Lacierda na walang balak ang Malakanyang na makialam o makisawsaw sa naging desisyon ng korte sa usaping ito.

Una rito, hiniling ng kampo ni Andal Sr. na mailipat siya sa Medical City Hospital na isang pribadong ospital.

Kasalukuyang ginagamot si Andal Sr. sa V. Luna Hospital dahil sa sakit na pneumonia.

Ang matandang Andal ay inilipat sa V. Luna mula sa Taguig-Pateros Hospital makaraang sumuka ng dugo at dumaing ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga sa kanyang detention cell sa Quezon City Jail Annex sa Bicutan.

Si Andal Sr., maging ang kanyang anak na si Andal Jr., Zaldy at Sajid, ay pawang mga akusado sa Maguindanao massacre noong Nobyembre 23, 2009 kung saan ay 58 katao ang namatay, kabilang ang mahigit 30 mamamahayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply