Diarrhea cases sa Polilio Island inayudahan

NAGPADALA na ang Department of Health (DOH) ng isang grupo ng medical personnel sa Polilio Island kasunod na rin ng pagdami ng diarrhea cases sa lugar.

Sa ulat sa DOH, anim na buwang gulang na sanggol na nakilalang si Marianne Mansanares ang namatay dahil sa naturang sakit, habang 29 iba pa na pawang nasa edad 11 buwan hanggang siyam na taong gulang lamang at residente ng Purok 1 hanggang 5 ng Barangay Tulaong ang nag-positibo sa diarrhea.

Ayon kay Health Assistant Secretary Dr. Eric Tayag, head ng National Epidemiology Center (NEC) ng DOH, nakikipag-ugnayan na sila sa local health authorities sa lalawigan upang agad na matulungan ang mga residente at matukoy ang pinagmulan ng sakit.

Sa kabila nito, kaagad namang nilinaw ni Tayag na walang dapat ikaalarma ang mga residente at wala pa ring pangangailangan para magdeklara ng outbreak ng sakit.

Kaugnay nito, kasalukuyan na ring sinusuri ang tubig sa lugar upang mabatid kung kontaminado ito.

Pinayuhan din ng DOH ang mga residente na magpakulo ng iinuming tubig upang makaiwas sa sakit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply