Dinagat Island niyanig ng 5.7 lindol

MAGKASUNOD na binulabog ng 5.7 magnitude na lindol ang Mindanao at Leyte, na natukoy ang epicenter, 25 kilometro mula sa Surigao ngayong hapon.

Ganap na alas-3:58 ng hapon nang yanigin ng lindol ang lugar.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman sa Tacloban, Tolosa at Guiuan, Samar ang intensity 3, intensity 4 sa Carrascal, Surigao del Sur, intensity 5 naman sa General, Surigao del Norte at intensity 6 sa Surigao City.

Nabatid na may ilang residente ang nasugatan sa kalamidad makaraang mag-panic ang mga ito.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply