Dinukot na health worker sa Sulu, pinalaya na

PINALAYA na ang midwife/health worker na dinukot sa Sulu, ayon sa ulat ng pulisya kaninang alas-5:00 ng hapon.

Matatandaan na grupo ng Abu Sayyaf ang itinuturong dumukot sa anim na health workers  sa Patikul pero agad pinakawalan ang limang Muslim, habang dinala naman si Rosalyn Kiram, 54 nitong nakaraang Martes.

Ayon kay Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo, pinakawalan ang nasabing health worker nang walang ransom na ibinayad sa mga kidnaper.

Dagdag pa nito na mismong ang grupo ng mga bandido ang naghatid sa biktima.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply