Direk Maryo J. delos Reyes juror sa 2012 Cairo International Film Festival

KASALUKUYANG nasa 2012 Cairo International Film Festival si Direk Maryo J. delos Reyes. Napili siya bilang isa sa jurors ng festival para sa Children Films. First time na nahirang na jury sa isang international filmfest kaya ganun lang ang kanyang kasiyahan.

Umalis ng bansa si Direk last March 22 at inaasahang makababalik ng Pilipinas sa April 1, just in time for Holy Week.

Bago umalis papuntang Cairo, nag-advance taping siya para sa soap nilang Biritera kung saan tampok ang batang multi-talented na si Roseanne Magan. First time lang umarte ng bata pero sa resulta ng performance niya sa pag-aalaga ni Direk Maryo J. ay pasado agad ang kanyang acting. Ipinalalagay nga na si Roseanne ang susunod sa yapak ng Superstar na si Nora Aunor. Hindi lang kasi magaling siyang kumanta, magaling din siyang umarte.

Pagdating sa pagdidirek ng mga bata, magaling si Direk Maryo J. Remember ang movie niyang Magnifico na umikot si direk sa iba’t ibang bansa kung saan nagwagi ito ng Best Picture at nakuha ag Best Actor sa mga international film festival.

Ngayon naman ay juror na si Direk Maryo J. ng Cairo filmfest.

000

NAGSALITA na si JayR sa Unang Hirit hinggil sa issue na split na sila ni Krista Kleiner. Ipinaliwanag nitong nagkakaproblema lang daw ang kanilang relasyon tulad ng iba riyan na nagkakaroon ng ups and down.

Matagal nang magkarelasyon sina JayR at Krista at dahil sa kanya kung bakit naging recording artist na rin si Krista. Bukod pa rito, naging inspiration ng dalaga si JayR sa pagsali niya ng Bb. Pilipinas noon. Sa talent portion ay nagamit niya ang awiting ginawa sa kanya ng singer/actor, dahilan kung bakit naging Best Talent siya at nahirang na Bb. Pilipinas International.

Sa ngayon di pa nagsasalita sa hiwalayan issue si Krista!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply