Direk Wenn Deramas ngarag sa dami ng trabaho

MULING susubukan ng Viva Films ang powers ng box-office director na si Wenn Deramas at ang appeal niya sa ta kilya sa darating na Sabado de Gloria, April 9, via the movie Moron 5 and the Crying Lady.

Matatandaan na si Direk Wenn ang direktor ng unang pelikulang isinalang ng Star Cinema Productions para sa Sabado de Gloria playdate gaya ng Cute ng Ina Mo at D Lucky Ones.

Bida sa bagong comedy film ni Direk Wenn for  Viva Films sina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, Martin Escudero, DJ Durano at John “Sweet” Lapus. May babae rin daw sa movie pero surprise.

“Hindi ko alam kung may na-meet kayo na ganito kabobobo talaga. Hay naku, tingnan ninyo ang ending kung ano ang mangyayair sa kanila,” sabi ni Direk Wenn.

Last time, we know ang Moron5 and the Crying Lady ay joint-venture ng Star Cinema at Viva Films. But according to Direk Wenn, solo na raw ng Viva Films ang proyektong ‘to.

“Nagsimula po ito ng Viva Films. Sumubok kami na ipa-co-prod sa Star naging interesado sila pero kung ano ‘yung pag-uusap sa budget and all na hindi napagkasunduan, labas na ako doon,” esplika ni Direk Wenn.

May isang pelikula pa si Direk Wenn sa huling kontrata na pinirmahan niya for Star Cinema. While sa Viva naman ay meron siyang six-picture contract. Pero pinapirma na naman daw ulit siya ni Boss Vic for another four mo- vies. Kaya bale may ten pictures siya sa Viva kasama na rito ang Moron 5 and the Crying Lady.

“Kasama ‘to, so, nine na lang nag gagawin ko. Kasi may naka-schedule na ngayon na apat, e, May Maricel (Soria- no)-Aga(Muhlach)-Roderick (Paulate) na pinaplano. Si Mel del Rosario ang gumawa ng script tungkol sa mag-asawa tapos may mamatay. May Bong Revilla ako. Hindi ko alam kung matutuloy pa ‘yung iba ko’ng gagawin,” kwento pa ni Direk Wenn.

At dahil isa na lang ang pelikula ni Direk Wenn for Star Cinema, ‘di niya sure kung ang ibigay sa kanya ay ang first team-up sa big screen nina Toni Gonzaga at Vice Ganda. As of now, ‘di sure kung magagawa pa niya ang mo- vie nina Batangas Governor Vilma Santos at Comedy Queen AiAi delas Alas sa Star Cinema.

Samantala, hanggang July 2012 pa ang kontrata naman ni Direk Wenn for ABS-CBN. Ongoing ang fantaserye ni Direk Wenn na Wako Wako sa Kapamilya network na pinagbibidahan ni AiAi. Mineeting na raw siya ng ABS-CBN president na si Charo Santos noong January 2 pero wala raw siyang binigay ng kahit na ano’ng salita dahil ‘di raw niya alam kung ano ang mangyayari bukas.

“Let’s cross the bridge when there is a bridge. And kung may bridge e ‘di mag-cross ‘di ba? Basta don’t burn bridges. Ayan, maganda ‘yun! Haha!”

Sabi namin kay Direk Wenn baka naman may offer sa kanya mula sa ibang network. Tungkol daw d’yan, bahala na ang manager niya na si June Rufino at Boss Vic.

-ooOoo-

Nagmamadaling nagbihis pagkatapos mag-host ni Boy Abunda sa The Buzz last Sunday.

Pupunta kasi siya sa kanyang bonggacious na rest house sa Lipa that night and babalik ng Kyusi ng Monday morning diretso naman sa Bandila.

Nakatutuwa ang mga host ng The Buzz dahil nakikita namin ang bonding nina Kuya Boy with his co-hosts na sina Charlene Gonzales at Toni Gonzaga. Talagang every now and then nagtsistsikahan sila about the issues na ipala- labas rito at nagshi-share sila ng kanya-kanya nilang opinyon even sa backstage. Madalas rin ay nag-a-ask ng advice sina Charlene at Toni kay Kuya Boy.

Incidentally, parehong win ang mga lalaki sa buhay ng dalawang female hosts ng Sunday showbiz-oriented talk show sa nakaraang 28th Star Awards for Movies. Win ang mister ni Charlene na si Aga Muhlach bilang Best Actor ka-tie si Laguna Governor ER Ejercito.
Habang win din ng kanyang major award(s) ang boyfriend ni Toni na si Paul Soriano for Best Director and Best Screenplay for Thelma.

Going back to Kuya Boy, haping-happy siya ngayon. Unang-una, na dahil okey na okey ang kanyang ina na si Nanay Lising na dating Mayor sa kanilang lalawigan sa Borongan, Samar. Maski lovelife niya with Bong Quintana is okey at ang kanilang respective careers.

This week, naka-schedule mag-shoot ng dalawa pa’ng bagong TV commercials si Kuya Boy na syempre pa, ‘di pa pwedeng banggitin. Mapanonood angn dalawang bagong commercials ni Kuya Boy right after the Holy Week na.  Kapag ngayon nga naman ipalabas, e, mapuputol ang airing dahil bakasyon din ang TV networks sa ere.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply