Direktor ng Senado nabatakan ng sasakyan

ANO ba namang kahihiyan itong pinasok ng isa sa mga kilalang direktor sa Senado?

Aba’y sa kabila ng kanyang malaking suweldo at benepisyo, hinatakan siya ng sasakyan ng bangko matapos na mabigong bayaran ang buwanang hulog nito.

Batay sa impormasyong nakalap ni matang kuwago ng Remate, ipinagmalaki pa ng naturang direktor sa bangkong kanyang inutangan ang kanyang mataas na posisyon sa Senado.

Muntik pa nga umanong hamunin ng barilan ng naturang direktor ang sheriff na nag-serve lamang ng order na dapat nang hatakin ang naturang sasakyan.

Ang malupit sa director na ito ay humingi pa ng saklolo sa tanggapan ng Sgt. at Arms na agad namang tumulong kaya’t natulog pa ng isang araw sa kamay ng direktor ang sasakyan at susi nito.

Bukod sa pangyayaring hatakan ay kilala na ang  direktor na ito sa pagiging siga sa Senado kabilang na  ang pagmumura sa isa sa mga  miyembro ng OSAA, sa pulis, pag-counterflow, pagiging hari sa tuwing kakain sa Senate lounge at higit sa lahat ang pakikipag-relasyon umano sa kanyang inaanak sa kasal.

Mukhang nilubos-lubos na ang kahihiyang pinapasok ng direktor na ito ha.

Sige na nga at baka mabitin pa kayo kung sino siya.

Heto at pintahan natin.

Dahil sa kanyang pagiging siga, nagawa niyang mag-organisa ng kompetisyon sa Senado kung saan kinuha niyang sponsor ang mga senador at isang kilalang kompanya na nagbebenta ng alak.

Kung kumita siya o hindi siya na lang ang tanungin ninyo pero isa lang ang tiyak ni matang kuwago hindi ka magpapagod isang beses sa isang lingo kung wala kang mapapala lalo na’t mukha kang pera at mahigpit ang pangangailangan mo.

May letrang A as in ang yabang at hangin mo, sa kabuuan ng kanyang pangalan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply