Displaced OFW nakatanggap ng livelihood assistance

IPINAHAYAG ng Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) na naglaan na sila ng pondo para livelihood program para sa na 91 displaced overseas Filipino worker (OFW) mula sa Northern Mindanao.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dmzon, makatatanggap ng livelihood grants na P10,000 ang bawat isa sa 91 displaced OFW mula sa National Reintegration Center for OFWs (NRCO).

Sinabi ni Dimzon na mula noong Marso 2011, nakapag-release na ng P2,505,000 livelihood assistance sa 266 displaced OFW sa Northern Mindanao.

Pinondohan din ito sa ilalim ng Balik Pinay, Balik Hanapbuhay Program, training sessions at livelihood starter kits na nagkakahalaga ng P738,800 para sa 225 returning female household services workers sa rehiyon habang P55, 000 naman ang na-disbursed para sa pagsasagawa ng entrepreneurship seminars.

Ang mga starter kits ang ibinigay para sa mga nag-graduate mula sa mga trainings sa haircutting, massage therapy, native snacks preparation at fashion accessory making.

Sinabi ni OWWA-10 Regional Director Petrona Bergado na ang pagpapatupad ng mga programang ito ay kasabay na isinagawa ng Department of Labor and Employement (Dole) na siyang responsable sa fund disbursements at ng OWWA na siyang nagsasagawa ng technical aspect kabilang na ang client identification at project evaluation.

Sa ilalim ng Republic Act 10022 o ang “Act Amending RA 8042 na mas kilalang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 2005, ang NRCO ay binuo sa Dole para sa mga returning Filipino migrants na siyang nagbibigay ng mechanism para sa reintegration sa Philippine society. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply