Doble banat sa Pinas

MAKARAANG maglista si Jimmy Sieczka ng mga pinakaaayaw niya sa Pinas, inilista naman ng mga dayuhan ang salitang Noynoying.

Sa pakiramdam ng mga taga-Palasyo, paninira sa repablik ni Juan at sa Pangulong si Noynoy Aquino ang mga bagay na ito.

oOo

Ilang lahi ni Juan ang umangal sa ginawa ni Sieczka at gumawa ang mga ito ng hakbang para maging persona non grata ito. Sa persona non-grata, hindi na pupuwedeng pumasok sa Cebu itong si Sieczka  kahit may waswit pa siya rito. Ewan natin kung pagbabawalan din siya ng Bureau of Immigration na pumasok sa Pinas… kung nakaalis na siya rito.

Pero para sa iba, pawang katotohanan ang pinagsasabi ng dayuhang ito. At talaga namang masakit ang katotohanan.

Tingnan ninyo, hindi ba totoo na kung saan-saan dyumidyinggel ang marami hanggang sa napakapapanghi ang mga poste at pader sa paligid? Naglipana rin ang mga namamalimos, basura at ipis.

Ngayon, ano ba ang dapat nating gawin, huh? Ipakulam at ideklara natin si Jimmy na persona non-grata?

Mas magandang baguhin natin ang lahat ng napansin ng dayuhan at turistang ito.

oOo

Sa pag-alingawngaw naman ng Noynoying na nangangahulugan ng kawalan ng gawa ni PNoy sa mga batayang problema ni Juan, agad na nagpakita ang Malakanyang ng mga piktyur kung gaano kabisi ang Pangulo.

Hindi totoo na pabanjing-banjing lang si PNoy, ayon sa piktyurs.

Kasabay nito ang pag-denay ng Palasyo na wala silang pinalalabas na piktyurs at pagsasabing oki lang lalo’t may kalayaan sa pamamamahayag ang lahat.

Hindi kaya naliligaw ang Palasyo rito?

Dahil yang oil price hike, oil deregultion law, EVAT sa petrolyo at iba pang problema ang pinag-uusapan.

Totoong walang nagagawa si PNoy sa mga usaping ito at nagbibisi-bisihan sa away nila ni Mang Atong Corona.

Mabuti pang magpakita si PNoy ng tunay na aksyon sa nabanggit na mga problema kaysa maglabas ang kanyang mga tsuwariwap ng mga piktyur na pampapogi lang.

Sey n’yo, Suki?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply