Doble kara sa impitsmen

MERON lang tayong napapansin ukol sa impitsmen.

Puno ang mga ito ng doble kara.

May doble kara sa parte ng mga taga-usig-kongresman at meron din sa parte ni Mang Atong Corona. Meron ding doble kara sa Senado at sa Malakanyang.

oOo

Itong mga taga-usig-kongresman, eh, panay ang angal sa pagpapainterbyu ni Mang Atong sa media ngayon.

Kesyo, hindi umano sa media dapat magpaliwanag ang waswit ni Aling Cristina kundi sa impitsmen kort.

Nakalilimutan yata ng mga onorabol na ito na mas marami ang pagpapainterbyu nila sa media kaysa ang ginagawa ni Mang Atong.

Ang gusto nila, insayd at awtsayd ng impitsmen kort, sila lang ang maglabas sa media ng panig nila at gusto nilang tumahimik na lang si Mang Atong hanggang sa makumbik ito at mapalayas sa puwesto.

Siyempre, hindi naman papayag si Mang Atong na wan sayded ang karapatang pagpapainterbyu.

At dito, kung paano siya tinatadtad ng tabak ng mga taga-Kamara, kasama si PNoy, naglalabas din siya ng bente nuebe.

Hinihiwa-hiwa ni Mang Atong ang ebidensya ng mga taga-Kamara sa pagsasabing peke ang mga ito, gaya ng sinasabi ng mga taga-PSBank ukol sa bank accounts.

Sinasaksak na rin nito si PNoy sa paglalarawang ganid ang angkan nito sa paghingi ng P10 bilyong kabayaran ng Hacienda Luisita na puno’t dulo umano ng impitsmen.

oOo

Diyan naman sa Senado, bagama’t sinasabi ng lahat na nyutral sila, lumalabas na may umeepal na kakosa ng mga taga-usig at ni PNoy at meron ding kay Corona.

Nahihirapan tuloy si Juan na ikonek ang impitsmen sa kanyang buhay.

Wataymen, sa kabuuan, pansariling interes ang higit na namamayani sa mga bida at kontrabida sa kaso.

Tingnan ninyo, wa-pansin ang mga ungas sa problema sa langis, gutom, kahirapan at iba pang dinaranas ni Juan at sa impitsmen na lang sila umiikot-ikot.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply