DOE chief pinagbibitiw ni Trillanes

PINAGBIBITIW sa puwesto ni Sen. Antonio Trillanes IV si Energy Secretary Jose Rene Almendras kaugnay sa nagaganap na power shortage sa Mindanao.

Bago ito, inaayos ng ilang senador kasama si Trillanes ang isang panukalang batas para  mabigyan ng emergency power si Pangulong Benigno Aquino III upang masolusyunan ang krisis sa kuryente sa Mindanao, pero ang kapalit ay ang pagbibitiw ni Almendras.

Ani Trillanes nagpabaya umano si Almendras kaya nais niya na magbitiw na ito sa puwesto.

Nilinaw din ng senador na ang panukalang emergency power na ibibigay sa Pangulo ay para lamang sa usapin ng krisis sa kuryente sa Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply