DoE ipinasasara sa walang habas na oil price hike

DAHIL sa kawalan ng sapat na kakayahan upang pigilan ang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa, sinugod at kinalampag ng militanteng grupong Gabriela ang tanggapan ng Department of Energy (DoE) kaninang umaga sa Taguig City.

Ayon kay Lana Linaban, secretary general ng grupong Gabriela, layunin ng kanilang pagtungo sa DOE ay upang hilingin na ipasara na lamang ang naturang tanggapan dahil sa kawalan ng pangil upang pigilan ang sunod-sunod na pagtaas ng halaga ng langis.

Dalawang buwan pa lamang aniya ang nakalilipas sa kasalukuyang taon ay pitong beses nang nagtaas ng presyo ng produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis ng hindi man lamang gumawa ng paraan ang DoE.

Mismong sa gate ng naturang tanggapan ipinaskil ng grupo ang dala nilang Notice of Closure upang ipatigil na ang operasyon ng ahensiya ng pamahalaan.

Inihayag nila na sa kabila ng nararanasang kahirapan ng mamamayan dahil sa patuloy ng pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin, nakuha pa ng nasabing ahensya na magbigay ng kontrata sa ilang mga dayuhang kompanya upang magsagawa ng oil gas exploration sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply