DOH: Ilang preso tinamaan ng mas malalang ‘TB’

KINUMPIRMA ng Department of Health (DOH) na ilang bilanggong may sakit na tuberculosis (TB) ang nag-develop na ng resistance sa ordinaryong TB drug o tinamaan ng mas malalang uri ng TB.

Ayon sa DOH Center for Health Development for Metro Manila (CHD-MM), nahawahan na rin umano ng naturang mga pasyente ang ilan nilang mga kasamahan ng naturang bacteria strain na tinatawag na multi-drug resistant TB (MDR-TB).

Nabatid na ang MDR-TB ay mas malalang uri ng TB na nangangailangan ng mas mahal na treatment o lunas.

Tiniyak naman ni Regional Director Eduardo Janairo na tinututukan na nila ngayon ang pagbibigay ng lunas sa mga bilanggong may sakit na TB, partikular na sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City, na noong taong 2011 lamang ay nakapagrehistro ng kabuuang 449 TB cases.

Ipinaliwanag ni Janairo na mas madaling magkahawahan ang mga preso inmate dahil lantad sila sa sakit bunsod nang palagi nilang pagsasama-sama at dahil na rin sa pangit na bentilasyon sa mga bilangguan.

Kaugnay nito, katuwang ang Philippine Coalition Against Tuberculosis (PhilCAT), ay ipagdiriwang ng DOH ang World TB Day ngayong taon na may temang “No TB Today, Tomorrow, Ever” sa NBP.

Magiging highlight ng pagdiriwang ang kahalagahan ng hamon na makontrol ang TB sa mga ‘vulnerable population’ kabilang yaong mga nasa bilangguan sa pamamagitan nang pagbibigay ng kahalintulad na access sa libre at de kalidad na health care services.

Sinabi ni Janairo na isa sa mga istratehiya nila sa paglaban sa TB ay ang pagpokus sa vulnerable groups na prone na kapitan ng TB infection dahil sa kondisyon o pagkalantad nila sa naturang sakit araw-araw tulad ng mga bilanggo.

Inatasan na rin ni Janairo ang mga community health teams (CHTs) na i-monitor ang treatment ng TB patients sa Metro Manila upang ipasilidad ang agaran at epektibong paglunas sa mga pasyente at matiyak na mababawasan ang dumaraming kaso ng sakit.

Ayon kay Janairo, kinakailangan ang monitoring upang maabot at matukoy yaong nasa highest risk sa TB at maipatupad ang mga innovative strategies na magpapabago sa testing at treatment sa high-risk populations sa Metro Manila.

“It will be one the CHTs mission and we will be treating patients through community-based models of care in order to monitor the patient’s progress,” ayon kay Janairo.

Iginiit ni Janairo na maaabot lamang ang layunin na “World Free of TB” sa pamamagitan nang pagtutulungang matukoy, malunasan at maiwasan itong kumalat pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply