DOH: Sore eyes huwag balewalain

NAGBABALA ngayon ang Department of Health (DOH) sa publiko na huwag ipagwalang-bahala ang sore eyes.

Ayon sa DOH, dapat maging alerto ang publiko ngayong panahon ng tag-init dahil sa mga summer diseases na pwedeng makuha ng publiko.

Isa sa tinaguriang summer disease ang sore eyes na maaaring makuha ng tao mga taon-taon.

May tatlo namang uri ng sore eyes, una ay ang viral kung saan masakit at naluluha ang mata.

Pangalawa ang allergy na nagdudulot ng pamumula ng mata.

Ang pangatlo naman ay bacterial kung saan magkakaroon ng parang nana sa mata tuwing gumigising sa umaga at hindi na makadilat ang mata.

Napag-alaman na ang alikabok, usok at adenovirus o ang sobrang pagkukusot ng mata ang ilan lamang sa dahilan ng pagkakaroon ng sore eyes.

Sinabi pa ng DOH na maaari ring pasukin ng bacteria ang mata sa pamamagitan nang pagkukusot, na maaaring maging sanhi ng pagkabulag.

Dahil dito, pinayuhan ng DOH ang publiko na huwag basta-basta maglalagay ng pampatak sa mata dahil mayroon anila itong gamot at kapag tumagal ng ilang araw ang pamumula at pamamaga ng mata ay agad komunsulta sa doktor.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply