Doktor natagpuang patay sa sariling kuwarto

HINIHINALANG inatake sa puso ang 51-anyos na doktor nang matagpuang nakasubsob at wala nang buhay sa kanyang inuupahang silid kagabi sa Pasay City.

Nadiskubre lamang ang bangkay ni Dr. Pedro Miguel Padpad Jr., Medical Officer IV ng Doña Nena Health Center nang puntahan siya sa kanyang tirahan sa 528 J. Isidro St., ng pamangking si Lou Cadigal, 28, alas-11:30 ng gabi.

Nabatid na unang inabisuhan si Cadigal ng isa ring manggagamot sa naturang health center hinggil sa hindi pagpasok ng biktima gayung may tinanguan na siyang pasyente na magpapakonsulta sa kanya.

Nang magtungo si Cadigal sa bahay ng tiyuhin, inakala niyang natutulog na ang biktima subalit nang hindi tumugon sa kanyang mga pagkatok ay puwersahan niyang binuksan ang pintuan kung saan nakita ang nakasubsob na bangkay ng biktima.

Lumabas sa imbestigasyon ni PO3 Fernildo Castro ng Pasay police na may dati nang sakit sa puso ang biktima at inatake na rin ito may ilang taon na ang nakararaan na naging dahilan ng pagkaparalisa ng kalahati ng kanyang katawan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply