DOLE nagpaalala sa pay rules sa Semana Santa

NGAYON pa lamang ay nagpapaalala na ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employer hinggil pagpapatupad ng tamang pay rules para sa mga holiday ngayong Semana Santa, tulad ng Huwebes Santo (Abril 5), Biyernes Santo (Abril 6) at gayundin sa Araw ng Kagitingan (Abril 9).

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang tatlong nabanggit na petsa ay pawang mga regular holidays alinsunod na rin sa deklarasyon ng Malakanyang.

Sa itinakdang holiday pay rules ng DOLE, kung ang holiday ay natapat sa regular na araw ng paggawa at pumasok ang isang empleyado ay makatatanggap siya ng 200 porsyento ng kanyang arawang sweldo sa unang walong oras.

Kapag lumagpas na sa walong oras, makakatanggap ito ng karagdagang 30 porsyento ng kaniyang hourly rate.

Kung hindi naman pumasok ang isang empleyado sa nasabing araw, makakatanggap pa rin ito ng 100 porsyento ng kaniyang regular daily rate.

Gayunman kinakailangan na pumasok ito o on leave with pay bago ang araw ng holiday.

Sakali namang matapat sa araw ng day off ng isang manggagawa ang mga nasabing holiday at pumasok ito para magtrabaho, makatatanggap siya ng 260 porsyento ng kanyang daily rate sa unang walong oras at karagdagang 30 porsyento kapag lumagpas na rito. Kyle Gatus

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply