Donaire kakasa kay Mayweather sa $40M

IPINAHAYAG ni Nonito Donaire Jr. na kung makikiayon ang kapalaran ay lalabanan niya si undefeated boxer Floyd Mayweather Jr.

Subalit ayon kay Donaire, kinailangang 40 milyong dolyar ang magiging kapalit ng pagsagupa niya sa isa sa mga kinatatakutang boksingero sa buong mundo.

Game rin si Donaire na labanan maski sina JuanMa Lopez at Juan Manuel Marquez.

“In my West Coast accent Helll yeaaahh!, (everyone’s laughing) I’m not afraid of Floyd man, you know what I mean I’m a fighter. I’m down for that why not,” wika niya sa interbyu ng isang reporter.

Nagpahiwatig din si Donaire na sira-ulo lang ang tatangging labanan si Mayweather kapalit ng P40-M.

Hindi pa nagsisimula ang training ni Donaire para sa itinakda niyang laban sa Hulyo ngayong taon kaya inaaliw muna ng kampeon ang kanyang sarili sa paglalaro ng video games.

Ayon kay Donaire, isa sa mga lucky charm niya ay ang kanyang magandang esposa na si Rachael Donaire.

Hangad umano ng jr. featherweight champion na makapaglatag ng mega big fight upang matupad ang pangarap niyang maging isa sa high paid fighters sa mundo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply