Donasyon mula sa sigarilyo bawal na sa DepEd

IKINATUWA ng Coalition for Health Advocacy-Transparency ang inisyu ng Department of Education memorandum na nagbabawal sa mga eskwelahan sa pagtanggap ng mga donasyon mula sa mga kumpanya ng tabako o magkaroon ng ugnayan sa mga ito.

Pinuri ni Debby Sy, anti-tobacco campaigner ang hakbang ng DepEd na pag-iisyu ng Department Order No.6 series of 2012 na may titulong  “Guidelines on the Adoption and Implementation of the Public Health Policies on Tobacco Control and on Protection Against Tobacco Industry Interference,” base sa joint memorandum ng Civil Service Commission at Department of Health (CSC-DOH).

Ang memorandum ay nagbabawal sa pampublikong eskwelahan na makipag-ugnayan sa tobacco industry, kabilang na ang pagtanggap ng mga donasyon..

Ayon kay  Sy, ang pagbabawal sa pagtanggap sa mga donasyon mula sa mga kumpanya ng sigarilyo ay may kaakibat na sakripisyo sa panig ng mga public school lalo na iyong mga nasa liblib na baryo.

Sa pamamagitan ng DO 6, pinatunayan ng DepEd na mas mahalaga ang kalusugan at moralidad ng mga mag-aaral at mga pagkilos sa pagbibigay proteksyon sa mga bata laban sa mga panlilinlang ng industriya ng tabako.

Ayon sa DepEd, ipinamahagi na sa mga opisyal ng mga paaralan ang kautusan para sa pagpapatupad nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply