DOT sapol na sapol sa ‘Why I Dislike PH’ video

HINDI papayag ang Department of Tourism (DOT) na magpaapekto dahil lamang sa isang video sa Youtube at sa halip ay itutuloy nila ang kanilang pinaghihirapan para patunayan kung bakit “more fun” sa Pilipinas.
Sa katunayan, hindi sila apektado sa isang salungat na video na namamayagpag ngayon sa Youtube kung bakit hindi gusto ng isang turista ang Pilipinas.
Ang video na may pamagat na “20 Reasons Why I Dislike Philippines” na gawa ng isang American expat na nakilalang si Jimmy Sieczka. Ang video ay kuha sa Cebu City kung saan ang Robinson Cebu ang palatandaan sa mga eksena.
Ang video ay orihinal na na-upload sa Youtube at ilang sandali pa ay dinownload ito at inupload naman sa Channelfix website. Sinusulat ito, nasa 54,693 ang nanonood sa nasabing video, ayon pa sa website.
Sinabi ni Sieczka na maganda ang Pilipinas pero buwesit na buwesit daw siya sa gatambak na mga basura, at ang mga tao ay kung saan-saan na lamang umiihi gayung mayroon namang comfort room.
Paktay na, ano na naman kaya ang masasabi ng ating mga kababayan dito? Basa…
***
totoo nmn ang pangit ng sidewalks at kalsada natin.. nasisira ng suspension ng sasakyan ko sa di pantay pantay ng kalsada..Yun sidewalks parang may uling. Tingnan mo un MRT at LRT structure kulay lumot na..eh halos kalahti ng sweldo ko napunta na sa tax..Punyeta talaga pati pambili ng gatas ng anak ko napupunta na rin sa gobyerno sa laki ng kaltas
—Dave
***
SAPUL! Masakit di ba? imbes na magalit kayo ayusin nyo na lang!!! Idiots.
—Garry
***
hahahaha mr DOTC sec… kung hindi kayo nagworry na maapectohan ang tourism campaign ninyo, bakit nyo pina bura ang video… wala naman akong nakitang mali don. Diba wake-up call sa atin mga pilipino, bat pa tayo mahihiya? diba gawain naman talaga yon nang mga pinoy. At saka isa pa, hindi naman sya bias, kasi may ginawa naman din syang video na pumupuri sa atin….diba? Ito kasing mga minor problem na to na susolusyonan naman to … Una dapat sa mga local government…. Sa kanila talaga dapat nagmumula ang desiplina…Gumalaw galaw na kayo mga pala…./ mga buwaya….
—Francis
***
Totoo naman yung mga sinabi sa video. Ngayon nasa atin na lang kung magagalit ba tayo or maging daan ito para paunlarin pa ang bansa. Kaya todasin na lahat ng corrupt politicians at kriminal. Asan na yung pondo para dun sa manhole ? bakit basurahan yung pinangtakip ?? hahahaha
—Keeper
oOo
Para sa inyong reaksyon at opinyon hinggil sa pagputok ng malalaking isyu sa bansa, mag-text sa 09192848266
o mag-email sa evendemata@gmail.com

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply