DoT slogan pormal nang inilunsad sa Germany

INILUNSAD na ng Department of Tourism (DOT) sa buong mundo ang tourism slogan na “It’s more fun in the Philippines.”

Ang nasabing slogan ay ipinagmalaki ni Tourism Secretary Ramon Jimenez sa Annual International Tourism Congress na idinaraos sa Berlin, Germany.

Ginawa ni Jimenez ang paglunsad sa slogan ng DOT sa Annual International Tourism Congress, itinuturing na pinakamalaking tourism trade show sa mundo na nilalahukan ng international tourism offices, travel related companies at tourist oriented service providers upang mas makilala pa ito sa buong mundo.

Naniniwala ang DoT na sa pamamagitan ng pormal na paglulunsad sa slogan ng ahensya ay makatutulong ito upang dumugin pa ang turista ang Pilipinas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply