DPWH: Pagsikip ng trapiko sa Osmeña Highway asahan

NAGPA-ALALA ngayon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa publiko na isasara ang southbound lane ng South Superhighway mula President Quirino Avenue hanggang San Andres Street dahil sa pagsasaayos sa Osmeña Highway Bridge 2 (southbound).

Ang repair at reconstruction sa Osmeña Highway Bridge 2 na nasa Paco, Maynila ay bahagi ng programa ng DPWH sa pagpapatibay ng mga tulay sa kahabaan ng national road.

Sa utos ni Secretary Rogelio L. Singson, kaagapay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), pinaiksi ng DPWH-National Capital Region ang nauna ng ibinigay na 45 days duration ng repair project sa 30 days, na nagsimula noong Marso. Inaasahang matatapos ito sa April 10, 2012.

Pinayuhan ang mga southbound vehicle na mula sa Quirino Avenue na lumiko pakaliwa sa Taft Avenue, Leon Guinto o Roxas Boulevard patungo sa destinasyon.

Sa pagsasara ng isang bahagi ng southbound bridge, ipinatupad ang two-way traffic sa northbound lane ng South Superhighway kung saan pinaliliko ang mga northbound motorist pakaliwa patungong Edsa o sa Buendia patungo sa destinasyon.

Maaari ring lumiko ang mga motorista pakanan ng Zobel Roxas Ave. o ng San Andres upang makaiwas sa pagsikip ng trapiko patungo sa destinasyon.

Nagtalaga na ng mga DPWH traffic personnel at MMDA enforcers sa bisinidad ng proyekto at mga alternatibong ruta upang gabayan ang mga motorista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply