DPWH Plaridel by-pass road, madadaanan na

BIBILIS na ang pagbiyahe patungong Cagayan Valley region ngayong Semana Santa matapos buksan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang bagong Balagtas Interchange sa North Luzon Expressway (NLEX).

Pinangunahan ni DPWH Secretary Rogelio Singson ang pgbubukas sa Balagtas, Bulacan Interchange na mag-uugnay sa unang bahagi ng Plaridel, Bulacan By-Pass Road project ng kagawaran.

Ayon kay Singson, may habang 6.87 kilometer ang Plaridel Bypass na dadaan sa mga bayan ng Plaridel, Baliwag, Bustos at San Rafael, Bulacan patungong Nueva Ecija bago bumagtas ng national highway tungo sa Cagayan Valley region.

Bukod sa Balagtas Interchange, gumawa rin ang DPWH ng 2.4 km na access road upang mapabilis ang pagpasol sa nasabing bagong kalsada.

Idinagdag naman ni DPWH Undersecretary Rafael C. Yabut na puspusan naman ang pagsasagawa ng panibagong 7.78 km package 2 mula sa Bulihan, Plaridel hanggang bayan ng Bustos.

Umaasa rin si Singson na ang phase 2 na magmumula sa Bustos hanggang San Rafael, Bulacan ay masisimulan sa mga susunnod na buwan sa sandaling mailabas ang pondong galing mula sa Yen Loan Package ng Japan Internatioan Cooperation Agency (JICA).

Sa JICA rin nagmula ang pondong ginamit sa unang bahagi ng nasabing proyekto, dagdag pa ni Yabut.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply