Driver inutas ng nairitang municipal employee

UTAS ang isang drayber ng habal-habal nang paputukan ng baril at tagain pa ng nabuwisit sa kanyang municipal employee na rumaraket ding driver sa Buruanga, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Genie Casuncad , 50, ng Brgy. Tigom, Buruanga, Aklan, habang agad namang tumakas matapos ang krimen ni Rafael Lomugdang, 40, ng naturan ding barangay.

Sa imbestigasyon, naghihinatay ng pasahero ang biktima nang dumating ang suspek at barilin ang una.

Hindi pa nakuntento si Lomugdang at pinagtataga pa si Casuncad bago tumakas.

Sa inisyal na na imbestigasyon, nabatid na nairita ang suspek sa biktima dahil sa agawan sa pasahero.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply