Drivers binalaan ng LTFRB vs overcharging

MATAPOS makatanggap ng ilang reklamo sa unang araw ng pagpapatupad ng 50-centavo provincial fare hike, binalaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board kanina ang mga jeepney driver laban sa “overcharging.”

Ayon sa LTFRB,  mahaharap sa karampatang parusa ang mga driver na mang-aabuso sa provisional fare hike.

Pinayuhan din niya ang jeepney drivers na ipaskil sa kanilang mga sasakyan ang bagong fare adjustment.

Nabatid na karamihan sa mga reklamong kanilang natanggap sa unang araw ng pagpatutupad ng fare hike ay kaugnay sa panunukli.

Inireklamo rin ang hindi paglagay ng ilang jeep drivers ng notice sa pagtaas ng singil sa loob ng kanilang ibinibiyahe.

Ayon naman sa LTFRB, sa magsasagawa ng overcharging, nahaharap sila sa parusanang pagbabayad ng P2,000 fine para sa first offense, P3,000 fine para sa second offense at cancellation of franchise for the third offense

Nagpasya ang LTFRB kahapon na magpatupad ng 50-centavo fare hike upang matulungan ang mga tsuper dahil sa patuloy na pagtaas sa presyo ng  langis, spare parts at mga bilihin.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply