Droga kahit saan at ang pagmimina

BIGYAN naman po natin ng espasyo ang ating mga mambabasa para maihayag nila ang kanilang mga kaisipan, damdamin o problema ukol sa mga nagaganap sa ating lipunan.

DROGA SA TAGUIG CITY

Good am po, sir. Ipaalam ko lang po sa inyo na tuloy pa rin po ang pagtutulak ng droga rito sa  Signal Village, Zone 6B, Taguig City nina Butchoy at Ann. Takot na po ang mga bata rito sa compound dahil may mga baril din po yung mga gumagamit ng bato. Puwesto po nila ang kay Charlie Pugak. Nagpalamig lang po ng ilang araw at heto na naman sila.  Malakas po ang loob nina Butchoy at Ann. Thanks po. God bless! +63933263….

DROGA RIN SA CAVITE

Sir, good pm po!  Isumbong ko lang sa inyo na rito sa Anabu-1 at Anabu-2  Imus, Cavite ay sobrang talamak na ang bentahan ng shabu. Dito sa Good Family Homes at Park Dale, may pusher po rito. Kapag sa kanya ka umiskor ng shabu, sa bahay na niya gagamitin ang shabu. Kasi  po may puwestuhan po siya sa bahay niya. Ang number po ng bahay ay Block-10 Lot- 6 sa Park Dale. Tapos meron pang magkapatid dito sa 117 Cuenca Subd., Anabu 1-C. Ang name ng magkapatid ay Narding at Nomer. Sila po ay nagpapa-puwesto sa loob din ng bahay nila, sa loob ng CR. May mga babae pang gumagamit din ng shabu. Alam niyo, sir, nakaaawa ang mga anak nila. Sir. huwag niyo na lang ilagay ang cel # ko. +63919982….

PANAWAGAN SA LTFRB

Pls. lang po, mga taga LTO-LTFRB. Kami po ay lumuluhod at nagmamakaawa na huwag ninyong ipahintulot na madagdagan pa ang pamasahe. Ilang beses niyo na pong pinagbigyan ang Transport Group ng dagdag- pasahe pero ang sahod po o kaya’y mga alawans ng mga kawani at manggagawa lalo na po’ sa private sector ay wala pang dagdag. Mas nakararami po’ ang mapeperwisyo na taumbayan, lalo na po ‘kaming’ mga mag-aaral sa buong bansa, Wala na po kaming  budget para sa dagdag na pasahe. Greta Lourdes Almendras, ng Muslim-Christian Communities. Sana po iparating ninyo ito sa kinauukulan. Maraming salamat po’. +63920823….

PAGMIMINA PAG-ARALAN

Dapat pag-aralang maigi ang Mining Industry. Nandiyan at nakita na natin ang’ bad and good effects. Kay Gina Lopez, hindi makaangat at hindi aasenso ang kanilang TV Network kung wala ang Mining Industry. Mas malaki ang contribution factor ng mining industry sa ekonomiya kaysa show business. Mas malaki ang employment rate na idinudulot ng mining industry kaysa showbis. Mas malaki ang perang buwis na ibinibigay ng mining firms kaysa ABS-CBN. Kung aalisin ni Gina Lopez o ng Management ng ABS-CBN ang mining industry, I’m very sure na babagsak ang kanilang business. Kasi wala silang product na ibebenta. ‘Di tulad ng mining  firm na merong precious products na magbibigay ng magarbong ekonomiya rito sa Pilipinas at sa buong mundo. At sa pinakababang kaisipan, baka mawalan si Gng. Gina Lopez ng mga mamahalin na alahas kung mawawala ang mining firms. EHP ng Indigenous Cordilleras. +63920823….

ARTURO MORENO HINAHANAP

Matagal na akong nagbabasa ng kolum mo. Nais ko lang pong humingi ng tulong para makita o makontak man lamang ang kapatid ko. 16 years na po kaming ‘di nagkikita. Ang pangalan niya po ay Arturo Moreno. Pakilagay po ng CP number ko. Ako po si Arnel na kapatid niya. Dito  ako sa Montalban, Rizal ngayon. Salamat po. +639475586739

DELIKADONG TAWIRAN

Gandang hapon po, Sir Benny. Idol, dito po sa palengke ng Malinta Market sa I. Santiago sa tapat ng Mighty Mart, Valenzuela City,  kawawa po ang mga estudyante pag tumatawid. Laging kamuntik mabangga ng mga sasakyan. Animo’y nakikipagpatintero. Open po kasi yung railings. Salamat po, idol. +63947925….

PAUTANG AT SINGIL NG SSS

Isa po akong miyembro ng sss. Kaya po ako nagtext sa inyong kolum ay dahil sa aking loan. Noong una po, P24K at yung second loan ko. Ngayong third loan ko,  P23K na lang ang inaprubahan at P20K something naman ang napunta sa akin. Ang laki ng kinaltas samantalang pera ko naman yung inutang ko. Bakit po ganun ang SSS? +63908263….

Good day. Ganun po ba talaga pag naniningil na ang SSS? Ang bilis. Pag nag-claim ka na ng benefits, ang bagal, lalo na rito sa DAVAO CITY. +63910914….

PROBLEMA NG MGA SEKYU

Good evening po, Sir Benny. Sana inyo pong matulungan kaming mga guard ng Security Agency. Kasi po hanggang ngayon nasa dalawang daang piso pa rin yung arawan namin kahit 12 oras po ang duty namin. Wala rin pong overtime pay.  Sana’y mabigyan ito ng aksyon. Thanks po.  +63921835….

PASAHERO SINISIKSIK

Good day, Ultimatum! Gusto ko lang pong ireklamo ang mga mini-bus at jeep na biyaheng Morong- Bataan-SBMA.Kasi po sobrang siksikan. Kung magsakay po ng pasahero ang mga driver parang wala nang bukas. Ang jeep po, pati sa gitna pinauupuan sa pasahero. Sobra po talagang puno. May dalawang checkpoint naman sa loob ng SBMA pero wala lang po sa kanila. Kawawa po ang mga pasahero na nakasakay lalo kung merong hindi magandang mangyayari habang nagbibiyahe. Hindi ko po alam kung aware rito ang Morong Mayor at SBMA Management kung OK lang sa kanila.Sana po ay mabigyan ito agad ng aksyon. Salamat Ultimatum at more power.  +63999135….

oOo

Anomang reklamo o puna ay itawag o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply