Droga sa Tandang Sora

MAHIRAP humanap ng genuine na drogang shabu sa ngayon dahil na rin sa napakamahal na presyo nito sa merkado.

Hindi lang ang kakulangan nito sa bilihan ang nagpapamahal sa presyo kundi ang lagayan na rin sa mga kinauukulan o sa madaling salita ay lagay sa pulis.

Kadalasan, nabibili ang shabu ng tingi-tingi sa mga lugar ng mahihirap dahil dinaraya ang uri o kalidad nito.

Nandiyang hinahaluan ng tawas upang dumami at kumita ng malaki ang supplier pati na rin ang pusher.

Sa Quezon City, partikular sa lugar ng mga Muslim lalo na ang Culiat sa Tandang Sora, madali lang makabili o umiskor ng shabu dahil na rin sa dami nang nagbebenta nito.

Kahit mga kabataan ay ginagawa nilang errand o utusan dahil mas mabilis makalusot sa pulis ang mga ito.

Hindi rin madali para sa mga pulis ang pasukin ang lugar ng mga Muslim dahil na rin sa dami ng bilang ng mga ito.

Kapag may naaresto, kaagad na kinukuyog ng mga ito ang mga miyembro ng arresting team upang hindi matangay sa presinto ang pusher.

Napakarami ng mga tulak at gumagamit ng droga sa nasabing lugar subalit bagaman nanghuhuli ang ilang mga pulis dito, hindi pa rin nababawasan o napipingasan ang bilang ng mga ito.

Isang dahilan dito ay ang patuloy na lagayan o kotongan sa hanay ng mga pulis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply