Drug syndicate utak sa pamamaril sa Malacañang reporter

“KINOMPIRMA niya sa akin. He was conscious the whole night nang mangyari ang insidete bago siya tuluyang ipasok sa operating room. Kilala niya yung tao na bumaril sa kanya.”

Ito ang ipinahayag ni Gemma, misis ng The daily Tribune reporter na si Efren Angeles na ang tinutukoy ay ang sindikato ng droga sa Pasig City.

Malakas aniya ang kanyang kutob na ang tinutukoy ng kanyang asawa ay ang malaking personalidad sa Pasig City sa nangyaring pambubugbog at pamamaril sa biktima.

Bago aniya ang insidente ay nabanggit sa kanya ng kanyang mister na siya ang itinuturong nag-leak ng anomalya ng ilegal na droga sa Pasig City.

Sa pahayag pa ng ginang, nagpaalam lamang ang kanyang mister na lalabas saglit pero nabalitaan niyang pinagbabaril na ito, alas-10:00 ng gabi nitong Linggo.

Anim na tama ng bala ng baril ang tumamam sa iba’t ibang bahagi ng katawan ni Angeles na kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU) pa rin ng Pasig City General Hospital.

Kinondena naman ng National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamamahayag ang panibagong tangkang pagpatay sa isa pang miyembro ng media.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply