Dumami ang naglalaway kay Bela Padilla!

DAHIL sa kanyang pagiging FHM cover girl for the month of March, hot item ngayon si Bela Padilla.  Kaugnay ng  kontrobersiyang inihatid ng usaping may pagka-racist daw ang naunang cover photo niya, pati atensiyon ng foreign media ay nakuha rin niya.

Birong tanong namin kay Bela nang makakuwentuhan namin sa Party Pilipinas, dumami ba ang kanyang admirers o ‘yong mga guys na gustong pumorma sa kanya sa ngayon?

“Medyo po!” nangiting sagot ng young actress.

Paano niya ini-entertain ang mga naghahangad na manligaw sa kanya?

“Uhm… ewan ko.  Hindi ko pa iniisip sa ngayon.  Hindi pa ako nagri-reply sa kanila!  Ha-ha-ha!

“Actually, most of them nagpaparamdam through text.  Hindi ko nga alam how they’re getting my number.

“And not just admirers naman.  ’Yong mga old friends ko rin from school, ganyan… they’re reconnecting with me now.  So it’s really nice.”

Hindi pa rin pumapasok sa isip niya ang mag-boyfriend?

“No. Hindi ko pa po naiisip iyon. Kasi… malulungkot ang FHM nation kapag nag-boyfriend ako kaagad,” sabay tawang biro pa ni Bela.

Mula sa orihinal na title ng cover story sa kanya sa FHM na… Bela Padilla: Stepping Out Of The Shadows, pinalitan din ito at ginawang… Bela Padilla: I Want To Emerge With My Own Name.

What made her say nga pala that she wanted to emerge with her own name?

“We know kasi that I come from a family of big actors ( gaya ni Robin Padilla at iba pang mga artistang kaanak nila).

“Uhm… marami, e.  Maraming resons.

“Like may sinasabi rin na kamukha raw ako ni ganito.  Or nagka-issue ako kay ganito o ganyan.  Or naging partner ni ganto sa isang palabas… ganyan.

“So… I want people to see me na… gusto ko kapag nakita nila ako… Bela na.

“’Yong may recall ako as Bela na.”

Sa mga detractors naman niya na patuloy pa rin ang pagbatikos sa kanya, ano naman ang mensaheng nais niyang ipaabot?

“Well… thank you so much din sa inyo,” napabungisngis niyang sabi.

“Hindi siguro ako magiging ganito ka-strong para harapin ko ang lahat.  Nakakatulong sila (mga detractors niya) sa akin.  Sa totoo lang.”

‘Yong pagpu-pose niya nang sexy sa FHM, sundan kaya ng pagpu-portray na rin niya ng mga roles na sexy at daring?

“Hindi muna siguro po sa ngayon.

“Kasi nagpakita naman na ako ng sexiness I think dito sa cover ng FHM.  So… abangan nila ‘yong next step ko.

“Pero… gusto ko, pahintayin ko pa kaya nang konti!” napabungisngis ulit na sabi niya.

So far, ano ang mga nakakasa nang bagong aabangan sa kanya ngayon?

“Kasama po ako sa cast ng Hiram Na Puso (seryeng balik-tambalan nina Kris Bernal at Mark Herras na nagsimula nang umere today).  I’m playing Kris Bernal’s twin.”

Siyempre, wish din daw niya na magbida rin siya one of these days.

“Of course.  I think lahat naman ng artista is looking forward to that.  Na we get our chance, you know.

“But I have my chance right here, right now.  I’m really not gonna ask for more.

“I’m just so happy right now,” nakangiting huling naging pahayag ni Bela.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply