Dyip, motor swak sa bangin, 2 patay

KINARIT ni Kamatayan ang dalawang lalaki habang sampung iba pa ang nasaktan matapos mahulog ang isang motorsiklo at pampasaherong dyip sa bangain sa Davao City kagabi (Marso 30).

Nagtamo ng kapansanan sa ulo at katawan ang mga namatay na biktimang sina Marcelo Ceballos 36-anyos, residente ng J.P Laurel Street, Davao City at isang alyas Mr. X, na kapwa lulan sa isang XRM motorcycle na hindi nakuha ang plaka.

Isinugod naman sa ospital ang sampung pasahero ng dyip na nasugatan pero habang isinusulat ang balitang ito, dalawa na lamang sa kanila ang nananatili sa pagamutan at ito ay sina John Parillo, 24-anyos at Zyra Campomino, 14-anyos.

Sumuko naman agad at nasa kustodiya na ng Traffic Management Center ang suspek na si Rello Fuertes, tsuper ng dyip (MBS-856).

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-10:15 kagabi sa isang bisinidad ng Sirano Catalunan Grande, Davao City.

Nawalan ng preno ang naturang dyip habang umaatras at nabangga ang motorsiklong minamaneho ni Cebalos hanggang sa magtuluy-tuloy silang mahulog sa bangin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply