Dyip sumirko sa bangin: 7 patay, 18 nasaktan

PITO ang namatay habang 18 ang nasaktan nang sumirko ang isang pampasherong dyip sa isang malalim na bangin sa Misamis Oriental kaninang madaling araw.

Isa pa lamang sa mga namatay na biktima ang nakikilala at ito ay si Lemuel Pasay residente ng Barangay Claveria na nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan.

Sugatan sa insidente ang drayber ng dyip na si Jemrie Edos at mga pasahero na sina Teofila Niniasa, Dulce Hawayan, Lenny Pakris, Niatris Inson, Eduardo Gabatingan, Estrellita Dayap, Naomi Ruth Pescadero, Elma Saraus, Ruel Ello, Fabian Bendanillo, Irenea Sinayon, Syreel Bahian, Jahzell Mar Ubalde, Adulfo Cañete.

Kabilang din sa nasugatan ang siyam na bata na hindi nakuha ang mga pangalan.

Isinailalim sa hospital arrest si Edos at nakatakdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting to 7 counts of homicide at multiple serious physical injuries.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng madaling araw sa isang bangin sa Poblacion 1, Villanueva, Misamis Oriental.

Ayon sa Villanueva police station, bago ang insidente ay nagmula sa Cagayan de Oro ang naturang dyip at pabalik na sana sa Claveria nang maganap ang aksidente sa Villanueva.

Napag-alaman na nawalan ng preno ang sasakyan hanggang sa sumirko ito sa bangin.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply