Dynasty system pinauso ni director

KAKAIBA talaga ang kapangyarihan at diskarte ng isang direktor na ito sa Senado.

Akalain n’yo ba namang magtayo ng dinastiya o kamag-anak system sa Senado?

Sa sumbong na nakarating kay matang kuwago ng Remate, hindi lang pala ang sarili nito ang empleyado sa Senado kundi maging ang kanyang dalawang anak at pamangkin ay naipasok niya bilang mga regular na empleyado sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Alam kaya ito ni Senate President Juan Ponce Enrile?

Kasi sa ilalim ng batas, mahigpit na ipinagbabawal  ang pagkakarooon ng kaanak, lalo na ang asawa at anak sa iisang kompanyang pinagtatrabahuhan.

Papaano ba namang hindi magagawa ng tinamaan ng lintek na direktor na ito na maipasok ang kanyang kamag-anak eh siya mismo ang isa sa mga approving person sa papeles ng empleyado.

‘Di ba ang lupit pero ang katotohanan kapag ayaw niya ang aplikante na nag-aaplay lalo na kapag kanyang pinagseselosan, tiyak sa basurahan o kaya sa tambakan sa kanyang lamesa pupulutin ang papel.

Oopps director! Bawal magsinungaling dahil ginawa mo na ito sa isa sa mga pinagselosan mo nang dahil lang sa nakita mong katabi ng lover mo, este, inaanak mo pala sa kasal.

Talagang malupit pala ang direktor na ito. Biruin mong kilalang corrupt sa Senado dahil sa ginagawa  nitong hindi agad paglagda sa mga papeles nang walang padulas o lagay mula sa mga nanalong lehitimong bidder.

Kadiri ka naman director! Bakit nauubusan at nagkukulang ka na ba ng pang gimik at panlibre sa mga babae kaya pati sasakyan ay nahahatakan ka? He he he.

Para ganap ninyong makilala kung sino ang direktor na ito, heto, nag-sponsor niya ng isang tournament sa Senado at pinagkakitaan niya ito at isinangkalan pa ang concessionaire ng canteen.

May letrang A sa kabuuang pangalan ang naturang direktor as in atat na atat sa inaanak.

At higit sa lahat, kahit hindi ito miyembro ng media, may media ID ito na nakasabit sa kanyang sasakyan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply