Earth Hour 2012 mamayang 8:30 ng gabi

HINIMOK ng pamahalaan at iba’t ibang grupo ang sambayanang Filipino na makiisa sa gaganaping Earth Hour mamayang 8:30 hanggang 9:30 ng gabi.

Ang Earth Hour ay ang pagpapatay ng ilaw at iba pang de-kuryenteng kagamitan sa loob ng isang oras.

Layunin nito ang makatipid ng kuryente at maipakita ang malasakit ng mga mamamayan sa kapaligiran.

Ayon sa Social Mobilization for Earth Hour, lalahok ang may 1,500 lungsod at munisipalidad sa buong bansa sa naturang gawain.

Kabilang sa mga mangungunang lungsod sa naturang makakalikasang aktibidad ay ang Makati, Fort San Pedro sa Cebu at SM City sa Davao.

Target ng Davao City na makapagpalipad ng 10,000 wishing lanterns sa naturang event.

Inaasahan na makikiisa rin ang iba’t ibang tanggapan ng gobyerno batay sa direktiba ng Malakanyang.

Noong isang taon matagumpay na naidaos ng Pilipinas ang Earth Hour.

Kumpiyansa naman si Environment Secretary Ramon Paje na mapapanatili ng Pinas ang rekord nitong may pinakamaraming lugar na nakilahok sa Earth Hour.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply