Ebidensiya vs Corona malakas– prosec

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang House Prosecution Panel na malakas ang ebidensiya laban kay Chief Justice Renato Corona na siyang pinatunayan ng pinakahuling resulta ng Pulse Asia survey na nagsasabing 47 porsiyento ng mamamayan ang niniwalang guilty ang punong mahistrado.

Sinabi ni Quezon Rep. Erin Tañada na ipinakikita lamang ng survey na nakumbinsi ng karamihan sa mga Filipino na naipakita ng prosecution ang naghuhumiyaw na ebidensiya taliwas sa limang porsiyento lamang ang nagsasabing inosente si Corona.

Ani Tañada sa panayam ngayong araw na ipinakikita lamang nito na nakumbinsi ng prosecution ang mga taong sumusubaybay sa impeachment trial ng mga inilatag na ebidenisya.

“Sa kabila ng kritisismo na aming natatanggap sa paglalatag ng ebidensiya, naipakita dito na ginagawa ng prosecution ang kanyang tungkulin sa pagpepresenta ng ebidensiya na siyang dapat ikonsidera ng mga senador pagdating ng panahon,” dagdag ni Tañada.

Sa survey na isinagawa ng Pulse Asia nitong Pebrero 26 hanggang Marso 9, 2012, naitala na 47% ng Pinoy na nagsasabing guilty si Corona sa kasong kinahaharap nito partikular ang betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution at pagpabor kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinakop ng survey ang 1,200 respondents sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao na may three percent plus-minus error margin at may 95% confidence level.

Tanging lamang porsiyento lamang ng na-survey ng Pulse Asia ang naniniwalang inosente si Corona habang 43% naman ang undecided.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply